INATASAN ni Pangulong Duterte ang mga pulis na arestuhin ang mga gumagamit ng pekeng swab test result para sa kanilang paglalakbay.
“Huwag ho ninyong gawin ‘yan at makokompromiso lang kayo, pati ‘yung gastos ninyo. Kindly check at least twice over whether or not you have the genuine certificates,” sabi ni Duterte sa kanyang public address.
“I’m also directing the Department of Tourism, the Philippine National Police, and all local government to arrest those presenting fake tests and enforce strict compliance on protocols of local tourism. Do not be afraid to file sanctions,” aniya pa.
Matatandaang ilang turista sa Boracay na mula sa NCR Plus ang hinuli makaraang magprisinta ng pekeng RT-PCR test result.
Kaugnay nito, pinalawig ni Duterte ang travel ban sa India at iba pang bansa hanggang sa katapusan ng buwan dahil sa banta ng double mutant variant ng Covid-19.
Bukod sa India, ipinagbabawal din ang pagpasok ng mga manggaling sa Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman. –WC