62-anyos ga-graduate ng senior high school

NAKATAKDANG magtapos ang isang lola mula sa Norzagaray, Bulacan ng senior high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).


Sa Facebook post, lubos ang paghanga
ni Norzagaray Mayor Alfredo Germar sa 62- taong-gulang na si Josephine Villatema na nagawang pagsabayin ang pag-aaral, pagtitinda ng frozen items at pag-aalaga sa mga apo.


Biyuda na si Nanay Josie, na mula sa Brgy. Bigte, at tanging mga apo na lamang ang kasama sa bahay.


Hinihikayat naman ng alkalde ang mga kabataan sa kanyang nasasakupan na gawing ehemplo si Nanay Josie na hindi naging hadlang ang edad upang makamit ang pangarap.


“Saludo po kami sa inyo, Nanay Josie,” ani Germar. –A. Mae Rodriguez