Duterte di pa nabakunahan –Malacanang

ESPEKULASYON lamang ang ulat na nabakunahan na si Pangulong Duterte, ayon sa Palasyo.


Sa press briefing, iginiit ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi pa nababakunahan kontra-Covid-19 ang Pangulo.


“Hanggang speculation lang po iyan,” aniya nang tanungin kung matagal nang nakatanggap ng bakuna ang punong ehekutibo.


Samantala, sinabi rin ng opisyal na maaari pang magbago ang desisyon ni Duterte na hindi muna magpapabakuna.


“Well, panandaliang sentimyento po ni Presidente iyong sinabi niya kahapon na habang hindi pa sapat ang mga bakuna, hahayaan na muna niya na mauna ang ating mga kababayan bago siya,” paliwanag niya.
Inaasahan naman ni Roque na dadami ang suplay ng bakuna sa Mayo at Hunyo.