77 empleyado ng PSC positibo sa Covid

NAKA-HIGH alert ngayon ang Philippine Sports Commission (PSC) matapos umakyat sa 77 ang kaso ng coronavirus disease Martes ng hapon.

Naka-lockdown ngayon ang tanggapan ng PSC sa loob ng 10 araw matapos unang mapaulat nitong Lunes na 63 workers nito ang nagpositibo sa virus. Karamihan sa kanila ay mga nag-oopisina sa Rizal Memorial Sports Complex at Phisports compound.

Ayon kay PSC executive director Atty. Guillermo Iroy, kabilang sa mga bagong naitalang mga kaso ay 12 empleyado at dalawang atleta.