NANGANGAMBA ang grupo ng mga doktor sa ginawang pagpapatupad ng pamahalaan ng Covid-19 Alert Level 3 sa Metro Manila.
Ani Dr. Maricar Limpin, presidente ng Philippine College of Physicians, hindi pa nakakabawi ang mga health workers sa nakaraang surge ng mga kaso.
“Ang isa sa dahilan ng pangangamba namin is baka hindi makaresponde nang mabilis ang pamahalaan sa slight increase,” aniya.
“Medyo nangangamba kami na itong pagluwag na ito, base sa nakaraan, every time na nagluluwag tayo, medyo may kasamang pagkalimot ang ating mga kababayan,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Limpin na kahit bumaba na ang mga kaso ay nanatiling puno ang mga ospital.
“Puno pa rin kami, madami pa rin ang Covid-19 cases natin. Puno ang ICU, emergency wards, although di na talaga siya tulad ng dati. Within the day, naa-admit na namin ang kailangan namin i-admit,” aniya pa
“Kung sabihin natin nakakahinga na kami, di pa rin kami nakakahinga sa ngayon,” sabi pa ni Limpin.