2 parak binoga sa ulo ng adik, dedbol

PATAY ang dalawang pulis na binaril sa ulo ng hinihinalang adik na napatay din sa shootout sa Naga City nitong Sabado.


Kinilala ang mga biktima na sina MSgt. Romeo Padua at Cpl. Christian del Valle. Kapwa sila dead on the spot dahil sa tinamong sugat.


Ayon sa ulat, nilapitan ni Jericho Cano, isang pedicab driver, si Padua na naka-duty sa Brgy. Dinaga alas-7 ng gabi at hinambalos ng tubo sa ulo.


Nang mawalan ng malay ang pulis ay kinuha ng suspek ang baril nito at pinutukan ang biktima sa ulo bago tumakas.


Hinabol ng mga kasamahan ni Padua ang suspek pero nagpaputok ito at tinamaan si del Valle.


Napuruhan naman ang suspek nang gumanti ng putok ang mga alagad ng batas.


Napag-alaman na ilang araw na umanong wala sa sarili ang suspek na nasa drug watchlist ng barangay.