MARIING itinanggi ng Department of Health na bumili ito ng P1 bilyon halaga ng Remdesivir, na sinasabing gamot para sa coronavirus disease.
Ayon sa isang kalatas, sinabi ng DOH na bagamat nauna na nitong pinlano na bumili ng investigational drug gaya ng Remdesivir, hindi umano ito natuloy.
Bago makabili ng nasabing investigational drug, kailangan ang Certificate of Product Registration (CPR), o Emergency Use Authorization (EUA). Hindi anya matuloy ang pagbili sa nasabing gamot dahil wala pa ring CPR at EUA para rito.
Gayunman, ilang DOH hospital kabilang na ang mga specialty hospital sa NCR, Central Luzon at Calabarzon ang nakakuha ng Compassionate Special Permits (CSP) kung kayat nagagamit ang nasabing gamot para [anlaban sa COVID-19.
Ang CSP ay isang special permit para mapayagan ang paggamit sa isang gamot na hindi rehistrado para sa ilang piling kondisyon.
Sakabila nito, sinabi ng DOH na patuloy ang paggamit sa Remdesivir para sa COVID-19 dahil suportado ito ng 19 medical societies.