Andrea nagulat sa laman ng wallet ni Vicki Belo: Mabubuhay na po kami nito!

HALOS himatayin ang teen actress na si Andrea Brillantes nang makita ang pera sa wallet ni cosmetic surgeon Dr. Vicki Belo.


Sa vlog, pinayagan ni Vicki si Andrea na i-raid ang kanyang bag.


Ayon sa aktres, mabubuhay na sila ng kanyang pamilya nang isang buwan sa dami ng laman ng wallet ni Vicki.


“Parang mabubuhay na po kami dito ng isang buwan. Sobra na ‘to sa kuryente namin eh,” chika niya.


“Ang daming — P1,000 lahat! Ganyan kakapal ‘yung P1,000 nito,” dagdag ni Andrea.


Hirit ng cosmetic surgeon, wala masyadong laman ang kanyang pitaka. Kaya ang sagot ni Andrea: “Wala daw laman. Ang dami pong laman, doktora. Ito po ba ‘yung walang laman para sa inyo?”


Kwento ng batang aktres na hindi siya nagwa-wallet noong bata siya dahil wala naman siyang ilalaman.

Nagka-wallet lamang daw siya noong nag-18 siya.


Sa nasabing vlog ay ibinuking din ni Andrea na alam niya kapag wala nang pera ang mommy niya.


“Mama ko naman po, ‘pag wala na kaming pera nagkakasakit. Never nagkakasakit si mama pero pag sinipon ‘yan, nilagnat, ibig sabihin wala na kaming pera,” aniya.