IPINAG-UTOS ng Department of Health (DOH) ang pagpapaigting na pagpapatupad na border control measures sa mga biyahero na manggagaling sa China sa gitna ng COVID-19 surge sa nasabing bansa.
“Following the recent increase in COVID-19 cases in China, there is a need for the country to intensify the monitoring and implementation of border control protocols for incoming individuals, especially from China, at all ports of entry,” ayon sa memorandum na pinirmahan ni Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
Ipinagutos ni Vergeire ang “heightened surveillance on all respiratory symptoms in all travelers and conveyances coming from China.”
Gayunpaman, dati nang sinabi ni Vergeire na hindi na kailangang isara ng Pilipinas ang mga border nito para sa mga traveler mula sa China.