Alamin ang iyong swerte ngayong 2023

NANDITO na nga tayo sa exciting part. Bagong Taon, bagong buhay, bagong pag-asa.

Kaya tingnan natin kung ano nga ba ang mga ganap na posibleng harapin natin this year.

ARIES (Mar 21-Apr 20)

May mga oportunidad na pwedeng pumasok sa ikalawang quarter ng taon. May magandang hinaharap sa pananalapi. Kung pag-iisipan ang pagnenegosyo, may chance na maging matagumpay ito.

Lalawak ang social connections. Kailangan maging flexible lalo na sa pamilya. Sa kalusugan, dagdag ingat lalo sa unang dalawang quarter ng taon. Tandaan, huwag pa-stress.

Lucky Numbers: 2 at 5

Lucky Colors: Peach, Pink, Green

Lucky Months: March, June

TAURUS (Apr 21-May 20)

Umasa na magiging masagana ang Bagong Taon. Makararanas ng pagsubok pero magbibigay naman ito ng significant rewards. ‘Wag magmadali sa anumang gagawin. Pag-isipan palaging mabuti. Kailang mag-effort para higit mapagtibay ang relasyon sa pamilya. Posible ang pagbubukas ng negosyo o di kaya naman ay pagpasok sa unibersidad.

Kung may sinusunod na health discipline ituloy ito ay tiyak na magiging matagumpay ka sa iyong health goals. May isyung dapat tugunan hinggil sa usapin ng relasyon. Hindi malayong makapag-isip ng trip sa aborad.

Lucky Number: 1, 9

Lucky Color: Red, Golden

Lucky Months: Jan, April, July

GEMINI (May 21-Jun 21)

Asang magiging mabunga ang taong ito. Walang isyu na hinaharap sa trabaho kahit may mga bagong responsibilidad kang hahawakan. Romance and love pwedeng mangyari ngayong taon. Magiging matatag naman ang relasyon sa mga mahal sa buhay.

Bagamat may mga pagsubok sa kalusugan sa pagpasok ng taon, aayos din ito lalo na sa second quarter, kailangan lang pasiglahing mabuti ang pangangatawan sa pamamagitan ng ehersisyo. Magkakainteres sa real estate o kaya sa travel. Magiging maganda ang pasok ng pananalapi lalo sa huling tatlong buwan ng taon.

Lucky Number: 6 and 8

Lucky Color: Blue, Grey, Silver

Lucky Months: Feb, Aug, Nov

CANCER (Jun 22-Jul 22)

Fantastic year ang taon na ito. Promotion at salary increase ay posibleng dumating. Lalong masagana pagdating sa huling quarter kailangan lang maging consistent ang effort. Pero hindi dapat pumasok sa mga scheme na nagsasabi na mabilis kang yayaman.

Medyo makararanas ng pagsubok ang relasyon sa mga mahal sa buhay. Para mapanatili ang payapang relasyon kailangan pumasok sa ilang concession. Posibleng may mamuong romance sa pagitan mo at ng isang kaibigan. Ingatan ang kalusugan!

Lucky Number: 7 and 11

Lucky Color: Purple, Green

Lucky Months: Sept, Dec

LEO (Jul 23-Aug 23)

Maraming oportunidad para sa Leo ngayong taon. Kailangan maging chill lang pero focused. May pag-usad sa usapin sa career dahil sa hard work. Palawakin ang personal at professional contacts. Pero umiwas na makasakit. Pera ang magiging motibasyon mo. Nasisilip ang pa-iinvest.

Kung may mga sigalot sa pamilya, posibleng matapos ito sa unang tatlong buwan ng taon. Lalong titibay ang relasyon sa iyong minamahal lalo’t aayusin ninyo ang inyong mga differences. Sa iba naman, kasal ang isasaisip. Kung may diet na sinusunod, posibleng magbago ito dahil sa pabago-bagong work schedule.

Lucky Number: 18 and 22

Lucky Color: Maroon, Magenta

Lucky Months: April, May, Sept

VIRGO (Aug 24-Sept 23)

Tagumpay ang nasa sa iyo ngayong taon! Mga bagong oportunidad ang naghihintay sa unang kalahating taon. At iyan ay dahil sa metikuloso mong pagpaplano ng iyong pinansya.
Magiging maganda rin ang takbo ng trabaho kung magiging smart ang iyong magiging desisyon. Kailangan ang dagdag na skills o edukasyon. Peaceful din ang magiging relasyon sa pamilya. Tandaan, laging maglaan ng oras sa iyong minamahal.

Healthier lifestyle din ang iyong magiging goal at siyang magbibigay ng enerhiya. Posible rin ang overseas assignment sa dulo ng taon, magandang oportunidad sa mga indibidwal na nais mamuhay sa ibang bansa.

Lucky Number: 4 and 8

Lucky Color: Green, Blue, Orange

Lucky Months: Sept, Oct, Dec

LIBRA (Sept 24-Oct 23)

May magandang tsansa na matupad ang iyong mga goals, lalo na sa ikalawang quarter ng taon. Hindi lang sa usaping material makakahanap ng paglago kundi maging sa iyong propesyon o trabaho. Retirement pay na inaalok posibleng ikonsidera. Pag-aralang mabuto ang iyong mga pangangailangan at huwag sumunod lang sa sabi-sabi ng iba.

Family life may experience its shares of highs and lows. Sa relasyon, ang ilan ay makararanas ng pagsubok. Sa mga may chronic illnesses, kailangan ng dagdag na atensyon. Posible ang pag-aabroad sa ilang mga Libra.

Lucky Number: 11 at 17

Lucky Color: Yellow, Cream, Maroon

Lucky Months: Feb, March, Aug

SCORPIO (Oct 24-Nov 22)

“Change” ang magiging mantra mo ngayong taon. Ang usapin sa pera ay magiging maganda. Sa mga may negosyo, may magandang pag-usad. Sa mga working, may maganda ring paggalaw ng iyong karera. Last quarter ng taon ang pinakamatagumpay.

Sa pamilya, kung may mga argumentong magaganap, maayos din kalaunan. Potential rin na magkaroon ng love life sa mga single. Kung goal mo ay ang iyong kalusugan, maganda ang taon na ito para rito. Ituloy ang pananalig at religious tradition na kinasanayan upang makita mo ang iyong mga limitasyon.

Lucky Number: 18 at 22

Lucky Color: Magenta, Purple

Lucky Months: Jan, March, Oct

SAGITTARIUS (Nov 23-Dec 21)

May magandang hinaharap ang 2023. May tsansa na marating ang inaasam na tagumpay lalo kung pinagtibay at ginalingan ang mga nakalipas na proyekto. Asahan ang suporta ng mga katrabaho para maarok ang pangarap na propesyon.

Gut instincts and magtatawid sa iyo upang matiyak ang usapin sa pinansya o negosyo naman sa iba. Magandang taon ito para sa iyong relasyon sa partner at pamilya na laging nasa likod mo at nakasuporta.

Lucky Number: 1,8

Lucky Color: Saffron, White

Lucky Months: May, June, Aug

CAPRICORN (Dec 22-Jan 21)

Smile, dahil maganda ang pasok ng taon. May potential na tumaas ang sweldo o madagdagan ang kita. May balak ka sa iyong pera? Iinvest o inenegosyo, go lang dahil it will all work out for the best. May tagumpay rin na nakikita sa mga nasa trabaho lalo kung tatanggapin ang mga bagong responsibilidad.

Masaya at payapa ang atmosphere sa tahanan. Sa mga single, magandang taon para magpakasal o magbuo ng pamilya. Sa huling bahagi ng taon, fantastic talaga ang magiging feeling mo. Kung may pagkakataong mag-travel, walang masama kung gagawin ito.

Lucky Number: 9 at 11

Lucky Color: All shades of Green

Lucky Months: April, Nov, Dec

AQUARIUS (Jan 22-Feb 19)

You feel energized ngayong taon at mananatili ito hanggang ikalawang quarter. Kung magdadagdag ng effort, magiging secure ang financial position sa buong taon. Ngunit wag magmadali sa mga desisyon dahil posibleng mauwi sa pagkalugi o pagkawala ng pera.

Kung hindi magiging maganda ang pasok ng taon, magiging maayos din ito kinalaunan. Posibleng magkaroon ng promotion sa trabaho. Bigyang prayoridad ang kalusugan. Mawawala ang enerhiya kung sasagarin ang sarili. Malilimitahan ang oras sa pamilya kung puro trabaho ang aatupagin. Hindi magiging smooth ang pasok ng taon pagdating sa pakikipagrelasyon.

Lucky Number: 5 at 9

Lucky Color: Silver, Pink

Lucky Months: June, Sept

PISCES (Feb 20-Mar 20)

Makahahanap ng mga bagong oportunidad ngayong 2023. Magiging maganda muli ang pakiramdam sa sarili na siyang magbibigay sa iyo ng mabilis at maayos na decision-making.
Sa unang dalawang quarter, may tagumpay na aasahan sa mga may negosyo. Sa ikalawang bahagi ng taon, posibleng makahanap ng mas magandang job opening.

Kung matagal na ang relasyon sa partner, pwede nang i-level up na yan. Maganda ang magiging takbo ng relasyon sa pamilya.

Lucky Number: 2 at 6

Lucky Colour: Cream, Peach

Lucky Months: March, May, July