HINDI katanggap-tanggap ang ginawa ng aktor na sumingit sa linya para makapagpabakuna laban sa COVID-19, kahit na anong paliwanag pa nito.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government, “legally” at “morally” wrong ang ginawa ng aktor.
Una nang nagpaliwanag si Fernandez na wala siyang ginawang mali dahil kabilang anya siya second priority list na dapat mabakunahan kontra coronavirus dahil sa mga iniinda niyang sakit.
Bukod dito, hindi umano nagsidating ang mga naunang nagpalista kaya siya na ang sumalo rito.
“No violation is made because I’m on second priority list and some people on the list didn’t show up,” palusot ni Mark.
Paliwanag ni Interior Undersecretary Epimaco Densing, dapat A1 substitutes pa rin kung hindi sumipot ang magpapabakuna.
“Hindi pa rin po. ‘Yung unang excuse nila na nasa quick substitution list. Kung ikaw ay A1, A1 pa rin ang substitutes,” paliwanag ni Densing.
“Kahit saang anggulo, legally and morally, mali,” dagdag niya.
Samantala, pinagpapaliwanag din ni Densing si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ukol sa mga vaccine violations.