Ginang napaanak sa gitna ng dagat

HINDI na umabot pa ng ospital ang isang buntis at napaanak na habang sakay ng bangka sa karagatang sakop ng Guiuan, Eastern Samar.


Ayon sa ulat, humilab ang tiyan ng di-nakilalang ginang Lunes ng gabi kaya ibiniyahe siya ng mga kaanak patungong ospital sa bangka.


Pero hindi pa man nakakalayo ang grupo ay napaanak na ang ginang. Isang sanggol na lalaki ang kanyang isinilang.


Ayon sa ulat, pagdating sa pampang ay sinalubong sila ng mga tauhan ng Guiuan Central Fire Station at isinugod sa ospital ang mag-ina.