Delta variant, wala pang local transmission


INIHAYAG ng mga dalubhasa na wala pang kaso ng local transmission ng Delta variant ng Covid-19 na nadidiskubre sa bansa.


Ayon kay UP National Institute of Health (NIH) executive director Dr. Eva Maria dela Paz, ang 17 kaso ng Delta variant na naiulat ay mga galing sa ibang bansa.


“Lahat sila ay galing sa incoming international travelers. Wala pa pong tayong naitalang local cases as of our last sequencing,” ani dela Paz said.


Ayon sa doktor, 60 na porsyentong mas nakakahawa ang Delta variant kumpara sa Alpha variant, na 40 porsyento namang mas nakakahawa sa regular na variant ng Covid-19.


Karamihan din ng tinamaan ng Delta variant ay nagkakaroon ng malalang kondisyon.


Nangangamba rin si World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa pagkalat ng nasabing variant.


“Globally, there is currently a lot of concern about the Delta variant — and WHO is concerned about it too,” aniya
“As some countries ease public health and social measures, we are starting to see increases in transmission around the world,” dagdag niya.