Mag-asawang Pinoy nawawala sa gumuhong condo sa Florida

KABILANG ang mag-asawang Pinoy sa mahigit 150 residente na hindi pa mahagilap makaraang mag-collapse ang tinitirahan nilang condominium sa Florida, USA nitong Huwebes.


Kinilala ang mga nawawala na sina Claudio at Maria Bonnefoy na nakatira sa ika-10 palapag ng Champlain Towers South Condominium.


Nitong Biyernes ay apat na ang kumpirmadong patay at 159 ang nawawala.


Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa mga otoridad kung ano ang dahilan ng pagguho ng bahagi ng 12-palapag na gusali.