Josh Cullen ng SB19: Di ako pandak

TINALAKAN ni Josh Cullen Santos ng P-pop boy band na SB19 ang mga netizens na patuloy siyang hina-height shame.


Sa Twitter, sinabi ni Josh na kailangang pangaralan kahit ang mga fans nila na hindi namamalayan ay iniinsulto na siya.
“[Hindi] niyo kina-cool ang pang shaming. Hindi ako katangkaran katulad Justin at hindi rin ako pandak katulad ng inaakala niyo,” ani Josh.


“Tuwing na may masasabi na maliit, irerelate niyo agad sakin at sasabihin niyo kaagad na maliit ako. Hindi niyo kina angat yun. Yung totoo, wala na ba tayong maisip na ibang joke na masarap naman pakinggan?” rant pa niya.


“Di ako sensitive person, pero be mindful naman siguro na hindi sa lahat ng oras kailangan ganun yung biruan,” dagdag niya.


“Kahit mga kagrupo ko kinailangan ko pa kausapin about sa matter na ‘to. Madalas ako makipag biruan sa lahat, pero siguro may limitations din. Minsan nakakarindi rin. Hindi man ako ang pinaka matangkad, nakakapag produce naman ako ng malalaking bagay,” hirit ni Josh.


“Minsan yung mindset/paniniwala niyo na yung lumoloko sa inyo na pag nakita niyo ko in person mapapasigaw na ‘ang tangkad mo pala sa personal’ stop it,” sabi pa niya.