INIHAYAG ng Department of Health na kalat na sa 13 rehiyon sa bansa ang mas nakahahawang Covid-19 Delta variant.
Pinakamarami sa National Capital Region na mayroong 143 kaso, ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Sinusundan ito ng Calabarzon (47), Central Luzon (39), Central Visayas (37) at Western Visayas (36).
Sinabi ni Vergeire na sa 450 kaso, 426 ang gumaling na habang 10 ang namatay, 13 ang active cases at isa ay bineberipika pa.
Idinagdag ng opisyal na sa mga tinamaan ng Delta variant, 83 dito ay hindi pa nababakunahan kontra Covid-19, 35 ay nakatanggap na ng dalawang shots habang isa ay nakakaisang shot pa lang.
Inaalam pa ang vaccination status ng iba pang pasyente.