Dimples iiyak ng baldeng luha sa kasal nina Kathryn, Daniel

HAHAGULGOL si Dimples Romana sa kasal ni Kathryn Bernardo at ng kanyang long-time boyfriend na si Daniel Padilla.

Ito ang sinabi ni Dimples kay Kathryn sa komento ng huli sa picture na nag-iiyak siya sa kasal ni Angel Locsin at Neil Arce.

“@bernardokath nakakahiyaaaa Jusko! Etong si ate @therealangellocsin parang ewan pinost pa nya yan lahat!!! Kaya mag ready ka na kasi pag time nyo na ni Dj, balde balde malamang iluha ko,” ani Dimples.

Hirit naman ni Angel kay Kathryn: “Nako @bernardokath ilayo mo siya kay mommy at maa-outshine nya.”

Kamakailan ay pinost ni Angel ang picture ni Dimples na nag-iiyak sa kanyang civil wedding. –A. Mae Rodrigue