SINABI ng OCTA Research Group na bukod sa National Capital Region, tumaas din ang positivity rate ng corona virus disease (Covid-19) sa maraming lalawigan sa Luzon.
Idinagdag ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David na bukod sa Metro Manila, nakitaan ng pagtaas sa Bulacan, Cavite, Laguna, Pangasinan at Rizal.
Sa NCR, umakyat ang positivity rate sa 15.6 porsiyento mula sa 13.3 porsiyento.
Samantala, ang Zambalez naman ay nakpagtala ng low positivity rate, ayon kay David.
Idinagdag din ni David na bumaba naman ang case fatality rates (CFR) mula Hunyo hanggang Setyembre.