Covid-19 positivity rate bumagsak sa 8.2%

BUMABA sa 8.2 porsiyento ang positivity rate ng coronavirus disease (Covid-19) nitong June 24, ayon OCTA Research fellow na si Guido David.

Ito ay mula sa 8.6 porsiyento na naitala nitong Biyernes at 8.9 naman nitong Huwebes.

Sa datos ng Department of Helath, naitala lamang ang 464 bagong kaso ng Covid-19 sa buong basan nitong Sabado, 98 dito ay mula sa Metro Manila.

Sa tracker naman ng DOH, may kabuuang 4,162,231 kaso na ang naitala sa bansa, 8,353 dito ang aktibo habang may 66,482 naman ang namatay mula sa nasabing sakit.