BUMABABA na ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa National Capital Region pero tumataas naman ang reproduction rate nito, ayon sa OCTA Research.
Iniulat ng OCTA na tumaas ang reproduction number ng coronavirus sa Metro Manila sa 1 41 mula sa 1.39.
Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na umaasa sila na bababa ang reproduction rate sa ikatlong linggo ng Setyembre para bumagal na rin ang transmission ng virus.
Idinagdag ni David na sa buong Pilipinas ay nasa 1.32 ang reproduction number.
Aniya, dapat bumababa ang reproduction rate sa 1.00 o 1.1 upang bumaba rin ang mga kaso.
Paliwanag ni David, sa 1.41 reproduction rate ay dalawang infected na indibidwal ang maaaring makapag-transmit ng virus sa tatlong katao.
Nitong Sabado, nakapagtala ng record-high na higit 6,000 cases sa Metro Manila. –A Mae Rodriguez