Covid-19 cases aakyat sa 40K ngayong buwan



ISINIWALAT ng isang eksperto mula sa University of the Philippines na posibleng umakyat sa 40,000 ang mga kaso ng Covid-19 sa bansa sa kalagitnaan ng Enero.


“In terms of projection, posibleng tumaas talaga ang mga kaso , lalo na kapag hindi tayo magkaroon ng matinding interventions,” sabi ni UP Pandemic Response Team spokesperson Jomar Rabajante.


Ayon sa pagtaya ng grupo, posibleng pumalo sa 20,000 hanggang 40,000 ang mga kaso mula Enero 15 hanggang Pebrero 21.


“Posible tayong magkaroon ng peak, ang pinaka-early nito middle ng January, ‘yung pinaka-late ay third week ng February, posibleng mag-range from 20,000 to 40,000,” dagdag pa ni Rabajante. –WC