Yen Santos ‘di buntis, nahanginan lang–Paolo Contis

ITINANGGI ni Paolo Contis sa entertainment columnist/vlogger na si Ogie Diaz na buntis ang “friend” niyang si Yen Santos.


Chika ni Ogie, sinabi ni Paolo na hindi buntis Yen. Nagkataon lang umano na mahangin nang nakuhanan ng picture ang dalaga kaya nagmukha itong mataba.


“‘Yung tungkol doon sa kung buntis ba si Yen Santos, as per Paolo, hindi buntis si Yen Santos. Ang payat nga raw ni Yen Santos. Ang nakunan daw ay ‘yung paglipad ng damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba kasi ang hangin that time,” ani Ogie.


Matatandaang noong umamin ang ex-partner ni Paolo na si LJ Reyes na hiwalay na ang dalawa ay nagsulputan ang mga pictures na magkasama si Paolo at Yen.
Naging magkatambal ang dalawa sa isang pelikula na “A Faraway Land.” –A. Mae Rodriguez