Bagets tsinap-chop-chop ng negosyante sa Tondo

SHOOT sa kulungan ang businessman na nasa likod umano ng malagim na pagpatay sa 19-anyos na estudyante sa Tondo, Maynila noong nakaraang linggo.


Hindi naman kinilala ng pulisya ang suspek na kumatay at nag-chop-chop umano kay Rusty Dela Cruz, 19, ng Tondo.


Ayon sa ulat, dumulog sa pulisya ang mga kaanak ni Dela Cruz noong Disyembre 30 dahil nawawala ang estudyante.


Huling nakitang buhay ang teenager sa panulukan ng Severino Reyes at Remigio sts. sa Tondo, kung saan nakita siya na pumasok sa inuupahang apartment ng suspek.


Nahuli naman sa CCTV ang paglabas ng suspek sa bahay na may bitbit na dalawang sako pasado alas-11 ng gabi. Isinakay nito ang mga sako sa likod ng taxi.


Kinabukasan ay nakatanggap ng tawag ang Morons police ukol sa dalawang sako na may laman na parte ng katawan ng tao na natagpuan sa Bacoor Blvd. sa Bacoor City, Cavite.


Kinumpirma ng kapatid ng biktima na si Dela Cruz nga ang nasa loob ng sako.


Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ginamit ng biktima sa online sabong ang pera ng negosyante.


Sasampahan ng kasong murder ang suspek.