WALA umanong dapat ipagpangamba ang mga buntis sakaling sila ay magpapabakuna laban sa coronavirus disease.
Ito ay ayon sa pinakalatest na pag-aaral na ginawa ng US Centers for Disease Control and Prevention.
Ayon sa CDC, kailangan magpabakuna ang mga buntis laban sa COVID-19 matapos wala silang makitang dahilan para hindi ito gawin.
Wala umanong nakikita ang CDC na merong “increased risk for miscarriage” ang mga babaeng buntis sakaling magpabakuna ang mga ito kontra COVID.
Sa Estados Unidos, maaaring magpabakuna ang mga buntis gamit ang Pfizer, Moderna o Johnson & Johnson.
Ayon kay Sascha Ellington, team lead for the Emergency Preparedness and Response team in CDC’s Division of Reproductive Health, mababa lang ang bilang ng mga buntis ang nagpapabakuna, at dapat itong itaas.
“We want to increase that. We want women to be protected. We’re not seeing any safety signals and so the benefits of vaccination really do outweigh any potential or unknown risks,” pahayag ni Ellington.
Mas mataas umano ang risk sa mga buntis na magkaroon ng severe case ng COVID-19 dahilan para magkaroon ng preterm birth.
Dahil dito, inirerekomenda ng CDC na mabakunahan ang mga 12-anyos pataas, kabilang na ang mga buntis at nagpaplanong mabuntis, at kahit ang mga nagpapasuso.
“We are aware of the myths that have been spreading related to fertility. They are not based on any evidence. There’s no science that backs that up. We hope this helps,” pahayag pa ni Ellington.