Davao Oriental niyanig ng 7.3 magnitude na lindol

NIYANIG ng 7.3 magnitude na lindol ang Davao Oriental Huwebes ng madaling araw.

Sa pagtataya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naganap ang pagyanig ala-1:46 ng madaling araw  na ang epicenter ay naitala 67 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Governor Generoso.

Naitala ang Intensity 5 sa General Santos City.