TARGET ng gobyerno na makapaglaan ng P45 bilyong pondo para sa gagawing booster shot laban sa coronavirus disease sa 2022.
Gayunman, iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pokus pa rin ng pamahalaan ngayon ay ang mabakunahan ang mas maraming Pilipino para sa karagdagang proteksyon laban sa pandemya.
“Ang sinasabi lang natin, huwag na muna tayo ngayon mag-booster shot kasi marami pang walang first and second dose nila. Tapusin muna natin ang lahat bago natin ibigay ang booster shot. Well, tayo po hindi na po iyan dinidiskusyunan, nadesisyunan na po iyan at na-include na po iyang P45 billion worth sa ating 2022 proposed budget,” sabi ni Roque.
Ito’y sa harap naman ng hakbang ng Amerika na bigyan ng booster shot ang mga mamamayan nito dahil sa banta ng Delta variant.