739,200 doses ng Sinopharm dumating sa PH

DUMATING sa Pilipinas ang 739,200 doses ng Sinopharm ngayong araw.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong may karga ng mga bakunang galing sa China alas-5:55 ng hapon.

Ito ang unang batch ng Sinopharm na bahagi nang inangkat ng pamahalaan.

Biyernes ng umaga, tinanggap naman ng pamahalaan ang 582,500 doses ng Astrazeneca.