Board exam pwede na sa Hulyo

PINAYAGAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang kahilingan ng Professional Regulation Commission (PRC) na maglabas ng otorisasyon para sa pagsasagawa ng professional licensure examination na nakatakda mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangang matiyak ang pagsunod sa mga health protocol na itinakda sa mga lugar kung saan isasagawa ang mga pagsusulit.

Kabilang sa mga kukuha ng board exams ang mga nurse, mining engineering graduates, master plumbers, real estate brokers, at environmental planners.