SINABI ni Press Secretary Trixie Angeles na bumubuti na ang kalagayan ni Pangulong Bongbong Marcos matapos magpositibo sa Covid-19.
Idinagdag ni Angeles na patuloy na nagtatrabaho si Marcos habang naka-isolate at nagbibigay ng direktiba sa kanyang mga opisyal ng Gabinete.
Aniya, binisita si Marcos ng kanyang doktor na si Dr. Samuel Zacate Sabado ng hapon at nagsabi na malaki na ang iginanda ng kondisyon ng pangulo.
Ayon kay Angeles, nakararanas na lamang si Marcos ng mild na sintomas at “no fever, no loss of taste and smell sensation.”
“Dr. Zacate’s physical examination indicated that the President’s throat was clear of any inflammation and most important, there was no sign of respiratory distress or pneumonia,” ayon kay Angeles.
“His personal doctor, Dr. Zacate, reported Saturday that the President is doing well and very much in stable condition,” sa i pa Angeles.
Nagpositibo si Marcos sa COVID-19 sa antigen test matapos makaranas ng bahagyang lagnat, nasal stuffiness, nasal itchiness at mild occasional non-productive cough.
Nagpositibo rin siya sa isinagawang RT-PCR test.
Ito ang ikalawang pagkakataon na tinamaan si Marcos ng virus. Una siyang tinamaan noong 2020 sa kasagsagan ng pandemya.
“The President was advised to undergo home isolation for seven days in compliance with the Department of Health protocol for fully-vaccinated individuals,” dagdag ni Angeles.
“Vital signs are within normal limit and he will be subjected to further laboratory examination as may be needed based on the President’s progress,” sabi pa ni Angeles.
Ani Angeles tuloy ang pag-inom ni Marcos ng gamot at patuloy siyang minomonitor ni Zarate habang makumpleto ang kanyang home isolation period.Mar