Bata bawal lumabas dahil sa Delta variant

SINUSPINDE ng Inter-Agency Task Force ang ipinatutupad na resolusyon na pinapayagan ang mga bata na may edad lima pataas na makalabas ng bahay sa gitna ng pandemya.


“Ang latest natin diyan ay hindi na muna natin papayagan sa ngayon,” ani Health Secretary Francisco Duque, chairman ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease.


“Dahil nagkaroon na tayo ng Delta variant, nagkaisa ang IATF na iatras muna itong resolution na ito,” dagdag niya.


Ang tinutukoy niya ay ang IATF Resolution No. 125, na pinapayagang lumabas ang mga bata na may edad lima pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) ay general community quarantine (GCQ).


Ayon kay Roque, pag-aaralan ng IATF sa loob ng dalawang linggo kung maaaring pairalin muli ang resolusyon.


“Kung makita naman na hindi hindi naman patuloy na tumataas ang mga kaso], lalo na dito sa NCR (National Capital Region), baka pwedeng ibalik natin,” paliwanag niya.