Barangay maglilista ng hindi bakunado

INATASAN ng Department of the Interior and Local Government ang mga opisyal ng barangay na gumawa ng listahan ng mga residenteng hindi pa nababakunahan kontra Covid-19.


Ayon kay Interior Undesecretary Martin Diño, ang utos ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Duterte na limitahan ang galaw ng mga wala pang bakuna.


“Kukunin lang ang information kung kayo ay nagpabakuna, saan nagpabakuna para meron na tayong datos ng nagpabakuna at hindi nagpabakuna sa barangay,” ani Diño.


“May policy sa Metro Manila na kung sino ang hindi pa bakunado hindi makakalabas ng bahay,” dagdag niya.


“Kung hindi ka bakunado, diyan ka lang sa loob ng bahay n’yo,” sabi pa ng opisyal.


Sa kasalukuyan ay higit 58 milyon Pinoy ang nakatanggap na ng first dose habang 53.9 milyon naman ang nakakumpleto na ng bakuna.