11 todas sa aksidente sa MisOr

AABOT sa 11 katao ang nasawi nang maaksidente ang truck na may sakay na mga magpipiknik sa beach sa Balingasag, Misamis Oriental nitong Miyerkules.


Ayon sa ulat, patungo ang mga biktima sa isang beach resort nang mawalan ng brake ang sinasakyan nilang truck sa pababang bahagi ng kalsada.


Sumalpok ang sasakyan sa puno bago tumagilid at bumangga sa mga bato.


Napag-alaman na nasa 50 katao ang sakay ng truck.


Base sa inisyal na ulat, 11 ang nasawi, kabilang ang tatlong-taong-gulang na bata. Kinukumpirma pa ng pulisya ang ulat na may tatlong iba pa na nasawi sa insidente.