AYUDA SA NCR PLUS IPAMIMIGAY SA MARTES O MIYERKULES

KINUMPIRMA ni Interior Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na ibibigay na bukas sa mga local government units (LGUs) sa NCR Plus ang P22.9 bilyong ayuda na nakalaan para sa mga apektado ng enhanced community quarantine (ECQ).


“Yes. Per advice of the DBM (Department of Budget and Management) to us,” ani Malaya nang tanungin kung tuloy na ang pamamahagi ng ayuda sa LGUs.


Inaasahan ni Malaya na magsisimula namang ang pagpapamudmod ng ayuda sa mga residente sa Martes o Miyerkules.


Nasa 22.9 milyon residente ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna ang inaaasahang makatatanggap ng P1,000 tulong na cash o in-kind.