ISKO MORENO NAGPABAKUNA NG SINOVAC

NAGPABAKUNA kontra-Covid-19 ngayong araw si Manila Mayor Isko Moreno gamit ang CoronaVac na mula sa Sinovac Biotech.


Mismong si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, isang doktor, ang nagbakuna sa kanya.


“I made a commitment to the people of Manila that I would get the Sinovac vaccine. A lot of Filipinos have doubts about Sinovac, so as a matter of commitment, I got vaccinated with it,” aniya sa kalatas.


Umapela rin siya sa ibang mga alkalde na magpabakuna na rin dahil madalas silang nae-expose sa publiko.