HINIKAYAT ng OCTA Research ang pamahalaan na ilaan ang 90 porsyento ng suplay ng bakuna sa Metro Manila upang tuluyang mabawasan ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Ani OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco O.P., kung nais ng gobyerno na matapyasan ng kalahati ang bilang ng active Covid cases sa bansa ay dapat mabakunahan karamihan ng taga-National Capital Region.
“Simply by increasing the percentage of vaccines we send to the NCR, we will be able to decrease the overall caseload of the pandemic,” ni Austriaco.
Sa kasalukuyan ay 65 porsyento ng suplay ng bakuna ay nakalaan sa Metro Manila habang ang natitirang 35 porsyento ay pinaghahati-hatian ng iba’t-ibang probinsya.
“What we would like to do is we would like to recommend 90 percent to the NCR and 10 percent to the rest of the country. Why is this? Because we have an obligation to vaccinate our senior citizens who are most at risk for severe COVID-19,” aniya.
Sabi ni Austriaco, 9.1 porsyento ng mga Pilipino ay senior citizen.
“So 9.1 percent of Filipinos are 60 years and older, which is why we recommend 10 percent of the vaccines be deployed to the rest of the country to vaccinate our senior citizens, the medical frontliners who take up priority groups A1 and A2,” paliwanag niya.