INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong Martes ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maglaan ng 5,000 doses ng COVID-19 vaccine para sa pagbabakuna ng mga minimum wage workers at overseas Filipino workers sa ilalim ng Priority Group A4.
Inatasan ang DOLE na maglabas ng masterlist para matiyak na bawat sektor ng paggawa ay mabibigyan representasyon.
Samantala, inaprubahan ng IATF na isama ang mga frontliners sa Kongreso sa ilalim ng Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.