Chynna Ortaleza: Wala kaming Covid…praise God

ITANGGI ni actress Chynna Ortaleza ang balitang nagpositibo silang buong pamilya sa Covid-19.


“Sa mga nagsasabi po na may Covid kaming buong pamilya. Hindi po totoo.. Praise God!” tweet ni Chynna.


Ayon sa misis ng Callalily vocalist Kean Cipriano, kung magpositibo man sila ay agad din nilang ipaaalam sa publiko.


“Huwag po kayo mag-alala kung meron man e ako pa ang magsasabi dahil ang pinaka-ayaw ko po e magtago ng importanteng impormasyon sa mga tao sa paligid dahil ang ayaw ko sa lahat e makahawa,” dagdag niya.


Noong Abril 16, ibinahagi ni Chynna na siya ay nabakunahan na kontra-Covid.