MULA Pebrero 27 hanggang Marso 5 ay pumalo sa 47,536 katao nationwide ang nasita ng pulisya dahil sa paglabag sa health protocols.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government, binigyan lamang ng warning ang 33,893 habang ikinulong ang 552 at pinagbayad ng multa ang iba pa.
Ani DILG Undersecretary Jonathan Malaya, iniiwasan ng mga otoridad na ikulong ang mga pasaway dahil kailangan ng physical distancing para hindi magkahawahaan ang mga preso.“May problema ang mga kulungan natin, puno na. We do not want to add to that. The objective of what we are doing right now is to make sure that people comply. If we do not penalize naman walang maniniwala sa atin,” aniya.