25 nakipaglamay, nag-uwi ng Covid-19

DALAWAMPU’T lima katao ang tinamaan ng Covid-19 makaraang tumambay sa lamay ng patay kamakailan sa Tagaytay City, Cavite.Sa Facebook post, sinabi ng lokal na pamahalaan na pawang mga residente ng Brgy. Tolentino West ang mga nagkasakit. Anim sa mga ito ay senior citizen.

Bunsod nito ay mayroon nang 51 active cases sa siyudad.