2 OFWs nadale ng Delta variant



DALAWANG overseas Filipino workers (OFWs) na umuwi ng bansa nitong Mayo ang nakitaan ng mas nakahahawang Delta variant ng Covid-19.


Ayon sa Department of Health (DoH), nadiskubre ang mga bagong kaso ng University of the Philippines Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines National Institutes of Health (UP-NIH) makaraan ang isinagawang genome sequencing sa mahigit 7,800 Covid-19 positive samples.


Umuwi ng Pilipinas mula sa Saudi Arabia ang dalawang OFWs noong Mayo 29 at natapos ang 10-araw na isolation period.
“They have been discharged from the quarantine facility after being tagged as recovered,” paliwanag naman ng DoH.


Dahil sa dalawang bagong kaso ay umakyat na sa 19 ang kaso ng Delta variant sa bansa.


Kamakailan ay sinabi ng kagawaran na wala pang lokal na hawahan ang mas mapanganib na variant ng Covid-19.