KINUMPIRMA ng Department of Health (DoH) ngayong Huwebes ang karagdagang 116 kaso ng Delta variant sa bansa, dahilan para umakyat na ang kabuuang kaso sa 331.
Sinabi ng DOH na sa kabuuang bagong kaso, 95 ang lokal na kaso, isa ay isang Returning Overseas Filipino (ROF), samantalang patuloy na biniberipika pa ang 20 iba kaso.
Idinagdag ng kagawaran na 83 sa mga kaso ay mula sa National Capital Region, samantalang tatlo ay mula sa CALABARZON, apat ang Central Visayas, dalawa ang Davao Region, at tig-iisa sa Zamboanga Peninsula, Cagayan Valley, at Ilocos Region. Iginiit ng DOH na pawang nakarekober na ang mga ito.