Transwoman tumangging magpautang, kinatay ng kelot



DEAD on the spot ang transwoman na tinadtad ng saksak ng lalaki na umano’y nangungutang sa kanya sa Guiguinto, Bulacan nitong Martes ng gabi.


Nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang biktimang si Brian “Cindy Jones” Torres, 39, residente ng Brgy. Tabe.


Wala na itong buhay nang datnan ng mga kapitbahay na rumesponde nang marinig ang paghingi niya ng saklolo mula sa kanyang beauty salon.


Agad namang nasakote ng mga pulis ang suspek. Inamin niya ang pagpatay pero iginiit na nagdilim lang ang kanyang paningin nang tinangka siyang halayin ng biktima.


Itinanggi naman ito ng mga kapamilya ni Torres. Anila, matagal nang nangungutang ang lalaki sa biktima pero hindi siya pinagbibigyan nito.


Nahaharap ang salarin sa kasong murder.