Eumir Marcial bigong makaabante sa finals; uuwing may bronze

TINULDUKAN ng Ukranian boxer na si Oleksandr Khyzhniak ang Olympic gold journey ng Pinoy boxer na si Eumir Marcial sa pagtatapat nila Huwebes sa men’s middleweight division quarterfinals.

Tinalo si Marcial ng dati na nitong kalaban via split decision. Ang unang dalawang round ay ibinigay kay Marcial ngunit nagpakita umano nang matinding pag-aagresibo ang kalaban nito sa huling round na siyang nagpanalo rito.

Noong 2019, nagkasagupa na ang dalawang boksingero kung saan tinalo rin ng Ukraniang boxer ang Pinoy via split decision sa Strandja International tournament.