NAGPYESTA ang buong Pilipinas sa gintong panalo ni Hidilyn Diaz sa weightlifting event sa Tokyo Games nitong Lunes, July 26, 2021.
Kaya superduper congratulations!
Sa sobrang kasiyahan ng madlang publiko, natabunan ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kailangan pa bang i-memorize yan!!
Pinakamahaba at pinakaburyong sa lahat ng limang SONA: paulit-ulit, mali-mali, puro rants, kuda to the max, haluan ng kwentong barbero, may mga pinapapatay pa, defensive.
In short, basura.
Sa 15-point legacy agenda nung siya’y pakaway-kaway sa kampanya noong 2016, puros kabaligtarang legacy ang iiwan sa 2022.
Magsampol tayo mga Ka-Publiko.
ENDING ILLEGAL DRUGS IN 2016
Nangako ang aswang na tatapusin ang ilegal na droga at pupulbusin ang mga mga adik in three to six months.
Sa tally ng #RealNumbersPH mula July 1, 2016 hanggang May 15, 2018, kumota si bakulaw ng 4,279 suspek na namatay sa anti-illegal drug operations o anim kada araw.
Pero sa unang dalawang taon pa lang yan.
Hindi pa kasama riyan ang Homicide Cases Under Investigation (HCUI) dahil yan daw ay mga nadedo habang naka-duty ang mga pulis at nasa operasyon.
Syempre lumobo pa ang tokhang figures na yan dahil tuloy-tuloy naman ang patayan.
So, ang legacy na ending illegal drugs, nauwi sa masterminding tokhang killings.
Nakapanloko talaga ang tikbalang.
ENDING CORRUPTION IN 2016
“If I fail, kill me.”
Naks, yan naman ang pa-epek ng mananggal sa pangakong tatapusin din sa loob ng anim na buwan ang corruption sa gobyerno.
Never forget yung P6.4 bilyon shabu shipment scandal noong May, 2017 na inirecord ng Bureau of Customs na kitchenware kuno.
Pang-apat na shipment yan na isinasangkot si presidential son Paulo na may nickname na “Pulong” sa tatlong text messages ng dalawang supect.
Yung naunang tatlong shipment nag-disappearing act.
Sangkot noon si Commissioner Nicanor Faeldon na ikinulong pa nga sa Senado at Pasay City Jail.
E sabi ng mambabarang, “honest” at “upright man” si Faeldon.
Nasundan pa yan ng missing P11 bilyon shabu shipment na natagpuan sa apat na magnetic lifters sa Cavite, August ng 2018.
Nabisto rin ang pagpapalaya ng mga preso ng high-profile at heinous crime cases, if the price is right, o yung “Freedom-for-Sale” sa Bilibid.
Again, sabit na naman ang famous na si Faeldon na inilipat ng maligno sa Bureau of Corrections.
Pinakamalupet na yata ang sari-sari at bilyon-bilyong pisong pandarambong sa Philhealth funds ng mga ka-publiko natin.
Nandyan ang P14 bilyon fund releases sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM), pinalobong P2.1 bilyon 2020 budget ng Information Technology department at yung overpayments sa mga ospital ng P102 bilyon mula 2013 hanggang 2018 sa kanilang case rate system.
Ang IRM ay sistema ng Philhealth na nagbibigay ng cash advance sa mga ospital at clinic para sa mga matitinding sitwasyon tulad ng pandemic. Ginagawa yan ng Philhealth dahil parating delayed ang reimbursements nila sa mga ospital at clinics na yan.
Namamaga utak ko sa pag-intindi riyan.
Ang case rate naman mga Ka-Publiko ay ang reimbursement ng Philhealth sa bawat klase ng sakit kasama na rin ang bayad sa doktor at paggamit ng medical facilities.
Nagsimula yan noong 2011 sa panahon ni Presidente Noynoy Aquino III. Ehem, isa pa yan.
Isama pa ang P40 bilyon “pastillas” human trafficking scheme sa Bureau of Immigration.
Pero namamayagpag pa rin ang buwitre sa DOH dahil tiwala sa kanya ang tiktik.
Ilan lang yan, di pa kasama ang mga sinasabing mga anomalya ngayong pandemic.
Yun o!: Ang legacy na ending corruption, nauwi naman sa legacy in covering up corruption.
Pero syempre sa SONA 2021, binawi yan ng kapre at sinabing hindi basta-basta malulutas ang corruption kung hindi pababagsakin ang gobyerno.
(“You cannot stop corruption unless you overthrow government completely.”)
Kung ganun naman pala, bakit pinipigilan na pabagsakin ang gobyerno? LOL!
Dapat pala si bakulaw ang binuhat ni Hidilyn, sobrang pabigat!
Eniweis, alam nyo namang may sakit ang Dracula. Hirap sa paglakad papasok ng plenaryo nung Lunes at muntik pang bumagsak.
Pangitain ba ito o kung ano man, Hudas will pay.
Ipagpag na yan sa 2022.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected].