HINDI kinaya at umayaw ang ilang mga suking kontratista ng isang political clan sa Luzon.
Ito ay dahil sobra ang hinihirit na porsiyento ng nasabing pamilya na umaabot sa 30-percent kada proyekto.
Sinabi ng aking spotter na wala nang matitirang kita sa nasabing mga negosyante kapag pinagbigyan nila ang hirit na kita ng pamilyang bida sa ating kwento ngayong araw.
Sa pagtatanong ng aking spotter ay kanyang nabisto na nagfile pala ng kanyang COC ang dating mayor na miyembro ng angkan na ito at vice mayor naman ang isa pa nilang in-law.
Kailangan nila ng malaking pondo at mapupunan ito sa tulong ng mga kontratista bukod pa sa kanilang mga regular na supporters.
Nabisto rin kamakailan na hindi pa sarado ang bangkong pag-aari ng ating mga bida dahil patuloy umano itong ginagamit sa pagpasok ng pera mula sa abroad.
Hanggang sa ibang bansa kasi ay mayroon silang mga tagasuporta dahil sa kanilang dating “raket” bago napasok ang naturang pamilya sa pulitika.
Sa nasabing bangko ayon sa aking spotter posibleng idinadaan ang nasabong pondo galing sa abroad.
Tiyak na mananagot sila kay Lord pagdating ng tamang panahon dahil sa mali nilang mga gawain ayon pa sa aking cricket.
Hindi na kailangan ang clue dahil given na kung anong angkan ang bida sa ating kwento na naunang sumikat dahil sa kanilang pananampalataya sa Diyos.