Tha face talaga ng gobyernong ito ni Pangulong Duterte.
Nitong Lunes, May 17, inanunsyo ng Palasyo na inangat nila sa listahan ng priority for vaccination ang mga governor at mayor at isiningit sa A1.5 priority group.
Sana all.
Kelan naman naging health frontliners ang mga pulitiko, aber?
Kasing importante raw ng frontline health workers ang trabaho nila.
Beke nemen…
Ang alam natin eksperto sila sa pagdodoktor sa eleksyon, ng mga libro o audit ng pera ng bayan, at mga public image nila.
Enebeyen.
Sa list ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG), may A, B at C na priority classification ng population groups para sa vaccination.
Group A ang top priority.
Kasama rito ang A1 group ng health frontliners.
A2 naman ang senior citizens and so on and so forth.
Ang A1 ay nakahati pa sa A1.1 at iba pa – o mas specific groups gaya frontline workers sa mga pangunahing ospital na tumututok sa Covid cases tulad ng PGH, Lung Center, etc.
Sa A1.5 population group nakalista yung medical workers sa health centers, barangay clinics, kasama ang contract tracers at social workers.
Dyan isiniksik ang mga mukhang singit.
Sa pagsingit nila, nilampasan at mas mauuna pa sila sa senior citizens na nasa A2.
Sa pagtalon nila sa pila, ginulangan nila ang nasa B groups na hanay ng mga teacher, social workers, kapuwa government workers, OFWs at iba pa.
Last but not the least, kinawawa nila ang nasa group C, ang kulelat sa listahan.
Nung March, siyam na mayors ang sumafety at ilegal na nagpabakuna.
At sino ang makalilimot sa grand vaccine smuggling scandal nang ibrodkas ni PSG head Brigadier General Jesus Durante noong December 29, 2020 sa ANC na may ilang member ng unit nila ang nagpabakuna.
Importante raw dahil bantay sila ng presidente.
Take note, hindi aprubado at hindi rehistrado yan sa FDA as in ilegal.
Yan ang mga publc servant natin, bagaman hindi lahat, inuuna nila ang sarili bago ang pinaglilingkuran.
Patunay lang na kaya palpak ang pangangasiwa ng Covid pandemic e dahil hindi scientists ang nagdedesisyon kundi militar at pulitiko.
Gagawa sila ng ilegal at mag-iimbento ng kasinungalingan, sisimple ng pandaraya, mandurugas at kung ano-anong kalokohan.
Patay tayo riyan.
Pag sinita, mapipikon at magagalit, sasabayan ng troll attacks at iba pang paninira – kung hindi magre-red-tag, dudurugin at gigibain ka.
Ayan tayo eh.
Respeto lang.
Gobyerno ka, dapat ikaw ang unang magpatupad ng mga batas at patakarang ikaw ang gumawa at nagpapatupad.
Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]