25-year franchise ng DITO pirmado na ni Digong

PINIRMAHAN na ni Pangulong Duterte ang 25-taong prangkisa ng DITO Telecommunity Corp. bilang ikatlong telecommunications player sa bansa.

Sa ilalim ng Republic Act 11537, binigyan ng kapangyarihan ang DITO na magsagawa ng operasyon.

Inatasan din itong kumuha ng permit mula sa National Telecommunication Commission (NTC) para sa pagtatayo ng mga pasilidad nito.

Ang DITO ay pag-aari ng negosyanteng si Dennis Uy.