Para sa aking unang artikulo sa pinoypubliko.com itatampok ko ang isang military official na ayon sa aking spotter ay pilit na kumukumbinsi sa kanyang mga kabaro na mag-withdraw ng suporta sa administrasyon.
Pero tulad ng isang atungal sa gitna ng kawalan ay tanging siya lamang ang naniniwala sa kanyang mga pinagsasabi maliban na lang sa ilang tauhan na walang ginawa kundi saluduhan siya.
Masama ang loob ni Officer M. sa administrasyon dahil dapat daw ay matagal na siyang heneral.
Bagaman mahusay sa pagsusulat hindi naman maituturing na impresibo ang kanyang “military service” dahil kabilang ito sa grupong “SagPor” o sagad sa porma.
Laging laman ng kanyang pagbibida ang mga pangalan ng ilang US military officials na BFF daw niya na natural lang naman dahil dati itong naka-assigned sa Balikatan war games kasama ang US troops.
Pero dahil sadyang ambisyoso at matabil kaya sa social media na lamang niya idinadaan ang kanyang frustrations bagay na nakakuha ng atensyon sa ilang heneral sa Camp Aguinaldo.
Sa ngayon ay walang mabigat na trabaho o sensitibong assignment ang ipinagkakatiwala sa tinutukoy nating opisyal dahil alam na nila ang plano nito.
Ang opisyal ng militar na isa sa mga minimonitor ngayon ng kanyang mga kasamahan dahil sa pagppakalat ng mga impormasyon para mahati ang sandatahan ay si Col. M….as in Mikrobyo.