Travel ban sa India posible

PINAG-AARALAN na ng pamahalaan kung magpapatupad ng travel ban sa India sa harap ng milyon-milyong kaso ng Covid-19 na naiulat sa nasabing East Asian country.


Ani presidential spokesperson Harry Roque, sa mga susunod na araw ay maglalabas ng anunsyo ang Malacañang ukol dito.


“Pinag-aaralan na po iyan bagaman wala naman po tayong direct flights ngayon sa India,” sabi ni Roque.


Sa kasalukuyan ay lumagpas na sa 17 milyon ang active cases sa India bunsod ng kumakalat na double mutant variant at ang mga mabilis na makahawa na South African at Brazilian strain ng virus doon.