Dahil sa pandemya na nagdudulot ng economic at health crisis, mahigit isang taon nang stagnant ang minimum wage ng mga manggagawa sa buong bansa habang patuloy naman na tumataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Dahil dito, pababa nang pababa ang kakayahan ng sahod natin na bumili ng basic needs gaya ng mga pagkain at gamot, at tustusan ang iba pang gastusin tulad ng pamasahe, tuition, renta sa bahay, electric at water bills, at maging mobile data, at marami pang iba.
Ito ang dahilan kung bakit kumonti ang laman ng ating eco bag at hindi na umaabot ng tatlo hanggang limang araw ang ating pinamalengke. Ito rin ang dahilan kung bakit lalo pang liliit ang sachet ng toyo, vetsin, at mantika.
The size of hotdogs will continue to shrink and frozen food packs will become smaller.
Ayon sa monitoring ng workers’ group na Associated Labor Unions (ALU), ang buying power ng P537 na daily minimum wage sa Metro Manila ay nasa P459 noong January 2019 at bumagsak ito sa P431 na lamang ngayong February 2021.
For example, ang umiiral na P400 sahod sa Calabarzon ay P342 ang buying power nito noong January 2019 ngunit ito ay P313 na lamang nitong February 2021. Habang ang daily wage na P396 sa Region 11 ay P307 in January 2019 at naging P312 na lamang in February 2021.
The wage boards’ rejection of recent wage increase petitions in Metro Manila and in Calabarzon sealed our fate that we will be into deeper poverty.
Ang pagsabay ng dormant na sahod at ang mabilis na pagsirit ng presyo at halaga ng pagkain at serbisyo ay pambihirang mangyari gaya ng solar o lunar eclipse phenomenon. Matindi ang impact nito sa mga walang trabaho, nawalan ng trabaho recently at dun sa mga manggagawa na may trabaho nga pero nasa floating at on-call status na lamang.
Lalong matindi ang pressure ng stagnant salary and rising inflation sa bawat breadwinner ng pamilya. Sa aking estimate, matagal pa tayo makakaahon mula sa krisis dahil patak-patak ang pagdating ng mga bakuna kaya kapit lang. Ikaw ba, anong adjustments ang ginawa mo to cope with this crisis?